^

Bansa

Villar nag-top sa SWS survey

-

MANILA, Philippines – Sa kabila ng matinding pagsira sa kanyang imahe, nakuha pa rin ni Senador Manny Villar ang pulso ng mamamayang Pinoy nang manguna ito sa pinaka­huling survey ng Social Weather Stations.

Si Villar na inaakusa­han ng kanyang mga kala­bang presidentiable sa C-5 road extension project ay nagtala ng 22 percent approval rating mula sa 7,000 respondents, ayon sa survey ng SWS sa pagitan ng Abril 16 at Mayo 6, 2009.

Nakabuntot kay Villar ang dating nangunguna na si Vice Pres. Noli de Castro na nagtala ng 18 percent. Sumunod sina Senator Francis Escudero at ang pina­talsik na si President Joseph Estrada na kapwa may 14%, Sen. Loren Le­garda (10%), Sen. Manuel Roxas (9%), Sen. Panfilo Lacson (6%), Makati Ma­yor Jejomar Binay (2%), at MMDA chairman Bayani Fernando (1%).

Sa scenario ng limang kandidato, si Villar ay na­nguna rin sa listahan na may 27%, sumunod si de Castro (22%), Escudero (19%), Estrada (16%), at Legarda (13%).

Si Villar pa rin ang nangunguna kahit apat na kandidato lang ang mag­lalaban na may 31 %. Sa­mantalang si de castro ay mayroong 24%, habang si Escudero ay 23% at si Legarda ay 18%.

Kung tatlo lang sila ang maglalaban, si Villar pa rin ang mayroong pinakama­taas na botong 37% kum­para kina de Castro na may 30% at Escudero, 27%.

Kung sina Villar at de Castro lang ang magla­laban, mas malaki ang la­mang ni Villar sa kanyang 53% kumpara sa 38% ni de Castro.

Samantala, si Escu­dero ang pangunahing gusto ng mga botante na ma­ging running mate ni Villar na may botong 21% kesa kay de Casto na nakaku­ha lamang ng 20%. (Butch Quejada/Ellen Fernando)


BAYANI FERNANDO

BUTCH QUEJADA

ELLEN FERNANDO

JEJOMAR BINAY

LEGARDA

LOREN LE

MAKATI MA

SHY

SI VILLAR

VILLAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with