Plunder vs Lapid

MANILA, Philippines – Isinampa kahapon ni Pampanga Governor Ed Panlilio sa Ombudsman ang kasong plunder laban kay dating Senador Lito Lapid at sa anak nitong si Mark dahil sa umano’y katiwalian sa quarrying sa lala­wigan noong panahong naging mga gobernador rito ang mag-ama.

Sinabi ni Panlilio na sa quarrying tax sa loob ng anim na taon o mula 2002 hanggang 2007 ay umabot lamang sa P121 Milyon ang naremit ng mga akusado o may nawawalang P568 milyon. (Angie dela Cruz)


Show comments