Pagkuha ng consultants sa CAAP inireklamo

MANILA, Philippines - Umapela ang career officers at personnel ng Civil Aviation Authority of the Philippines sa Civil Service Commission at Department of Budget and Management na bigyang pansin ang talamak na pagha-‘hire’ ng consultants at wala sa ayos na paggamit sa pondo sa nabanggit na ahensiya.

Sa sulat na pirmado ng 63 CAAP officials at empleyado na ipinadala sa CSC, DBM at maging sa kongreso, kanilang kinastigo ang walang habas umanong pagbitbit ng mga kaibigan, military classmates at iba pang tauhan sa naturang ahensiya ng kasalukuyan nitong pangasiwaan.

Nabatid na karamihan sa 63 signatories sa sulat ay pawang mula sa Flight Standards Inspectorate Service at ang iba ay sa iba’t ibang dibisyon sa CAAP.

Show comments