MANILA, Philippines - Umalma ang isang pangulo ng isang asosasyon ng mga barangay chairman sa lungsod Quezon laban sa mga akusasyong ibinabato sa kanya ng mga umano’y kalaban niya sa pulitika kaugnay sa pang-aabuso sa kanyang tungkulin.
Sa liham na ipinarating sa Department of Interior and Local Government Press Corps. ni Engr. Fermin Bilaos, chairman ng Barangay Bagong Pag-Asa at pangulo ng Association of Barangay Captains sa distrito 1 ng lunsod, tahasang pinasinungalingan nito ang ibinibintang na pang-aabuso sa posisyon.
Sinabi ni Bilaos na pawang kasinungalingan ang bintang na naghamon siya ng away sa ilang tauhan ng Manila Electric Company nang tangkang putulan ng kuryente ang kanilang barangay hall sa pag-aakalang iligal ang kanilang kuneksyon sa kuryente. (Ricky Tulipat)