^

Bansa

Mancao sinundo ng NBI

-

MANILA, Philippines - Dumating na sa Uni­ted States ang mga tauhan ng National Bureau of Investigation para sunduin at samahan pa­balik sa Pilipinas si dating­ Police Senior Superintendent Cesar Mancao II.

Umalis na noong Biyernes ng gabi patungo sa Los Angeles, California sa U.S. sina Ricardo Diaz at Claro de Castro Jr., hepe ng anti-terrorism at Interpol division ng NBI, ayon sa pagkaka­sunod.

Inaabangan ang pag­dating ni Mancao para sa kanyang testimonya sa kasong pagpaslang sa publicist na si Salvador Dacer at driver nitong si Emmanuel Corbito no­ong Nobyembre 2000.

“Pinapunta ko na sila (mga opisyal ng NBI) sa U.S.. Nabalitaan ko na inutos na ng US Marshall na dalhin si Mancao sa Los Angeles. Ibig sabihin, wala nang sagabal sa kanyang pagbalik,” sabi ni Department of Justice Secretary Raul Gonzalez sa isang panayam sa telepono.

Sinimulan na anya ng mga opisyal ng NBI ang pakikipag-usap sa US marshall para sa maayos na pagbalik ni Mancao sa Pilipinas. (Edu Punay at Ludy Bermudo)

CASTRO JR.

DEPARTMENT OF JUSTICE SECRETARY RAUL GONZALEZ

EDU PUNAY

EMMANUEL CORBITO

LOS ANGELES

LUDY BERMUDO

MANCAO

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PILIPINAS

POLICE SENIOR SUPERINTENDENT CESAR MANCAO

RICARDO DIAZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with