Mister tamad din sa sex: Kasal ni misis sa mama's boy ibinasura
MANILA, Philippines - Pinawalambisa ng Korte Suprema ang kasal ng isang misis sa kanyang mister na umaasa lang sa sustento ng ina nito.
Pinalitaw lang ni mister na nag-oopisina siya pero natuklasang galing din sa kanyang ina ang tinatanggap niyang “su weldo” para itago ang kanyang katamaran.
Bukod dito, tamad din si mister na makipagtalik kay misis.
Kaugnay nito, kinatigan ng Mataas na Hukuman ang naunang desisyon ng Court of Appeals na ipawalambisa ang kasal ni Marieta C. Azcueta kay Rodolfo Azcueta.
Nakita sa inihaing petition for review ni Marieta na may sapat na dahilan para ideklarang void ang kasal niya kay Rodolfo.
Sa rekord ng kaso, nagkakilala noong 1993 ang dalawa at nagpakasal kaagad sa edad na 23 anyos ang babae at 28 anyos ang lalaki sa St. Anthony De Padua Church sa Antipolo City.
Makaraan ang walong taon, naghain ng annulment petition si Marieta dahil sa pagiging psychologically incapacitated ni Rodolfo.
Hindi umano naghanap ng trabaho ang kanyang asawa at dumepende lamang sa sustento ng ina kahit tapos naman ng kolehiyo. Maging ang kanilang inuupahang kuwarto ay ina ang nagbabayad.
Nabigo din si Marieta na maanakan ni Rodolfo dahil mas madalang pa sa isang beses isang buwan ang kanilang pagtatalik at nang minsang kulitin niya na magtrabaho ay niloko siya
Nilinaw ng Mataas na Hukuman na sa simula pa lamang ay ‘stillborn’ o patay na ang ‘marriage’ ng dalawa kaya wala nang dapat pang protektahan ang gobyerno na mapanatili ang kanilang pagsasama. (Ludy Bermudo)
- Latest
- Trending