^

Bansa

Infected ng AH1N1 lumolobo

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines – Patuloy na nadadag­dagan ang bilang ng mga indibidwal sa Pilipinas na kumpirmadong infected ng influenza AH1N1 virus matapos ihayag kahapon ng Department of Health (DOH) na umabot na sa 16 ang bilang ng umano’y nagta­taglay ng sakit na ito.

Nabatid na ang dala­wang bagong confirmed swine flu case ay kinabi­bilangan ng isang 51-taong gulang na babae at isang 21-anyos na lalaki.

Ang dalawa na kapwa Pinoy ay dumating sa bansa noong Mayo 26 matapos na bumiyahe mula sa Estados Unidos.

Umaabot naman sa 29 ang mga bagong hini­hinalang kaso ng AH1N1 na inoobserbahan ng DOH upang tukuyin kung may swine flu ang mga ito. 

Samantala, pinag-aara­lan na DOH na sa bahay na lamang manatili ang mga pasyente, katu­lad ng karaniwang out­patient.

Ayon kay Health Un­dersecretary Mario Villa­verde, hindi naman ka­sing panganib ng ilang nalalathala ang tunay na epekto ng AH1N1.

Aniya, ito ay isang karamdamang nagaga­mot, basta may sapat na patnubay lamang ng mga doktor at sapat na supply ng gamot.

Dagdag pa nito, halos karamihan sa mga natu­koy na may influenza virus ay bumubuti na nga­yon ang kalagayan, ma­liban sa isa na may asth­ma.

Ginawa ng DOH ang nasabing mga pahayag upang susugan ang pa­na­wagan ng Malacañang na hindi dapat maalarma ang publiko kaugnay sa nasabing virus, dahil handa naman ang gob­yerno para sa ganitong sitwasyon.


ANIYA

AYON

DAGDAG

DEPARTMENT OF HEALTH

ESTADOS UNIDOS

GINAWA

HEALTH UN

MARIO VILLA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with