Puno sinibak ni GMA!

MANILA, Philippines - Sinibak kahapon ni Pangulong Arroyo bilang vice-chairman ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) si DILG Secretary Ronaldo Puno matapos ianunsiyo nito ang kanyang planong pagtakbo bilang vice-president sa 2010 elections.

Sa Executive Order 799 ng Pa­ ngulo, itinalagang kapalit ni Puno si Deputy Executive Secretary for finance and administration Susana Vargas.

Mananatili namang miyembro ng PAOCC si Puno dahil sa pagiging pi­nuno nito ng DILG. Si PGMA ang chair ng PAOCC.

Inanun­siyo ni Puno ang kanyang intensyong tu­makbong VP sa 2010 at nais niyang ma­kuha ang nominasyon ng Lakas-Kampi-CMD. (Rudy Andal)

Show comments