^

Bansa

Nursing pinakapopular pa rin na kurso sa kolehiyo

-

MANILA, Philippines - Sa kabila ng papa­babang pangangailangan sa abroad, nangunguna pa rin ang “nursing” sa pi­nakapopular na kur­song kinukuha ng mga bagong enrollees sa kolehiyo ngayong taon, ayon sa Commission on Higher Education.

Sa inisyal na datos na nakalap ng CHED, naka­pagtala na ng 422,978 na naka-enroll ng estud­yante sa kursong nursing, ikalawa ang hotel and restaurant management (HRM) na may 123,523 enrollees; kasunod ang “Elementary Education” na may 95,725 enrollees at nasa ikaapat ang kursong “Computer Science” na may 95,134 enrollees.

Sinabi ni CHED Chairman Emmanuel Angeles na marami pa rin sa mga kabataan ang umaasa na ang kursong nursing ang maghahatid sa kanila na makakuha ng trabaho sa ibang bansa sa kabila ng pababang “demand” nito ngayon. 

Gayundin uma­no ang kursong HRM na mara­ming bansa ang nanga­ngailangan ng hotel employees lalo na sa Dubai.

Ang iba pang mas po­pu­lar na kurso kada taon ay ang “Criminology, Accountancy, Management, Secon­dary Education at English Education”. (Danilo Garcia)

CHAIRMAN EMMANUEL ANGELES

COMPUTER SCIENCE

DANILO GARCIA

DUBAI

ELEMENTARY EDUCATION

ENGLISH EDUCATION

GAYUNDIN

HIGHER EDUCATION

SECON

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with