26 minaltratong OFWs sa Qatar nakauwi na

MANILA, Philippines - Dumating na sa bansa ang 26 overseas Filipino workers na umano’y mi­naltrato ng kanilang mga amo sa Qatar.

Ang mga OFW ay pa­wang tinulungan ng OFW Helpline ni Nacionalista Party President Sen. Manny Villar dahil sa iba’t ibang problemang dina­nas sa kanilang trabaho.

Isang OFW ang du­ma­ting noong Mayo 21 kasu­nod sina Romel Panaligan at Eduardo Baro noong Mayo 25. Kahapon ay du­mating din si Arthur Hernan­dez, Nicky Aguilon at Danilo Javier habang ang 20 iba pa ay itinakda sa mga susu­nod na araw. Isa pang OFW na si Orlando Bara­zon ay dating ta­gapag­maneho ng se­nador.

“Mula noong mag-umpisa kaming magtra­baho, hindi ibinigay ang buo naming sahod, hang­gang sa umabot sa tatlong buwan na hindi na kami pinasahod. Wala nang ma­kain ang aming pa­milya sa Pilipinas,” anang mga manggagawa sa ka­nilang sulat kay Villar.

Nitong Abril 17, nana­wagan si Villar sa gob­yerno na tulungan ang 35 na nagipit na OFWs na pa­wang mga nagtrabaho sa Interior Decoration at Furnishing, kasabay ang pag-iindorso ni Villar sa kaso ng mga ito sa Department of Foreign Affairs at Overseas Workers Welfare Administration na nanga­siwa ng kanilang pag-uwi.

Ang mga inilikas na OFW ay magtitipon sa Philippine Overseas Employment Administration sa Hunyo 1 para sa pla­nong sampahan ng kaso ang kanilang mga amo at kanilang ahensya. (Ellen Fernando) 

Show comments