^

Bansa

DILG Secretary Puno tatakbong bise presi­dente sa 2010; Lakas, Kampi nagsanib na

-

MANILA, Philippines – Inaprubahan kahapon ng national council ng makaadministrasyong partidong Kabalikat ng Malayang Pilipino ang pagsanib nito sa Lakas-Christian Muslim Democrats bilang paghahanda sa halalan sa 2010.

Sa naturang pulong din na ginanap sa isang res­tawran sa Quezon City, inihayag ni Interior and Local Government Secretary at Kampi Chairman Ronal­do Puno ang hangarin niyang ku­ man­didatong bise presi­dente.

Gayunman, sinabi ni Puno na susuportahan niya ang sinumang mapi­piling kandidatong bise ng koalisyon kung hindi siya ang mapipisil.

Sa Huwebes, magpu­pulong ang executive board ng nagsanib na La­kas at Kampi at inimbita­hang dumalo bilang observer sina Defense Secretary Gilberto Teodoro at Vice President Noli de Castro na kapwa napa­pa­balitaang kabilang sa na­pipisil na kandidatong presidente ng makaad­ministrasyong koalisyon.

Ayon kay Lakas Secretary General at Senador Miguel Zubiri, pagbaba­tayan nila sa pagpili ng standard bearer ang survey rating at ang integri­ dad at kakayahan ng kan­di­dato.

“Mahalaga ang survey rating pero, sa tingin ko, dapat mas bigyang ha­laga ang kakayahan at integri­dad ng kandidato bukod sa pagtanggap dito ng mama­mayan bilang susunod na lider ng bansa,” sabi pa ni Zubiri.

Ang nagsanib na mga partido na kapwa tagasu­porta ni Pangulong Arroyo ay tatawaging Lakas-Kampi-CMD at takdang iparehistro sa Commission on Elections. (Ricky Tulipat/Butch Quejada)

vuukle comment

BUTCH QUEJADA

DEFENSE SECRETARY GILBERTO TEODORO

KAMPI CHAIRMAN RONAL

LAKAS SECRETARY GENERAL

LAKAS-CHRISTIAN MUSLIM DEMOCRATS

MALAYANG PILIPINO

PANGULONG ARROYO

PUNO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with