Katrina magpapa-drug test
MANILA, Philippines – Ipapatawag ng Philippine Drug Enforcement Agency sina Dr. Hayden Kho, inang si Irene, at actress na si Katrina Halili dahil sa alegasyon ng una sa huli na ito ang nagturo umano sa doctor na gumamit ng droga.
Pangungunahan ni PDEA-Complaint and Reaction Unit Chief Major Valentino Lopez ang imbestigasyon dito kung saan pumayag na si Halili na magpasailalim sa drug testing anumang araw mula ngayon para mapabulaanan ang alegasyon ng kampo ni Kho na siya ay isang drug user.
Gayunman, nilinaw ni PDEA Director Dionisio Santiago na hindi agad maisasailalim sa drug testing si Halili dahil hindi pa natatapos ang hearing na ginagawa sa Senado kaya naman ipadadala na muna sa mga ito ang subpoena sa loob ng linggong ito.
Una ng sina ni Irene Kho na si Halili ang nagturo sa anak nito na gumamit ng droga matapos na lumabas ang sex videos nito kasama si Halili, doktorang si Maricar Reyes at isang Brazillian model.
“Ms. Katrina Halili, nabili na yang arte mo. Sabihin ko sayo, ikaw ang naglulong sa anak ko,” ayon sa ina ni Kho na lumikha ng panibagong kontrobersya.
Bunsod nito’y, sinabi ni Atty. Raymond Palad, abo gado ni Halili, na hindi nila palalampasin ang naging paratang ni Mrs. Kho laban sa kanyang kliyente.
Samantala, hiniling ni Kho kay Sen. Jamby Madrigal, chairman ng Senate Committee on youth, women and family relation, sa pamamagitan ng abogadong si Atty. Lorna Kapunan at Irene Joy Besido Garcia na magkaroon na lamang ng isang “close door” hearing kasabay ng pagtiyak na siya ay dadalo.
Ang hearing ay gagawin sa Huwebes, Mayo 28, ganap na ala 1:30 ng hapon. (Ricky Tulipat/Malou Escudero)
- Latest
- Trending