^

Bansa

Jamby inireklamo ni Remulla sa Ethics body

-

MANILA, Philippines – Inireklamo ni dating Cavite Congressman Gilbert Remulla sa Senate ethics committee si Senador Ana Consuelo “Jamby” Madrigal dahil sa anya’y pangit na asal nito.

“Sobra na ang kanyang inaasal,” sabi ni Remulla na tagapagsalita rin ng Nacionalista Party na pinangu­nguluhan ni Senador Manuel Villar.

Ginawa ni Remulla ang hakbang kasunod ng pag­tawag sa kanya ni Madrigal bilang “corruption king ng Cavite.”

“Sa dalawang termino ko bilang kinatawan ng ika­lawang distrito ng Cavite, hindi ako kailanman nasangkot sa anumang katiwalian, Hindi rin ako kailanman naiugnay sa ganito,” sabi pa ng kongresista.

Inihalimbawa rin ni Remulla sa asal ni Madrigal ang walang batayan at malisyosong bintang nito kamakailan na nagpulong umano sa Spain sina Villar at Pangulong Gloria Arroyo nang magkita ang dalawa sa naturang bansa.

“Bilang senador, inaasahan mula kay Jamby Madrigal na maging buhay na huwaran ng pagiging marangal. Subalit sa nakasanayan na nitong “gutter speak” upang makapasok sa mga balita, nilapastangan niya ang ma­habang listahan ng mga lalaki at babae na pawang na­ging bahagi ng Senado, Sa katunayan, nilait na niya mis­mong ang Senado bilang institusyon,” sabi ni Remulla.

“Kasiraan siya sa mabuting pangalan ng kaniyang lolo, si dating Senador Vicente Abad Santos na isang in­­dustriyalista at statesman. Si Madrigal ay malaking ka­baligtaran,” dagdag pa ng mambabatas. (Butch Quejada)


BUTCH QUEJADA

CAVITE

CAVITE CONGRESSMAN GILBERT REMULLA

JAMBY MADRIGAL

NACIONALISTA PARTY

PANGULONG GLORIA ARROYO

REMULLA

SENADO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with