^

Bansa

1,000 preso lalaya sa Araw ng Kalayaan

-

MANILA, Philippines – Mahigit sa 1,000 pre­so ang inaasahang ma­kalalaya sa darating na Hunyo 12 kabilang na ang mga may edad na 70-anyos pataas at may 20-taon ng nakakulong sa National Bilibid Prisons (NBP).

Ito ang inaasahan ni NBP Dir. Oscar Calderon sa ginanap na medical checkup kahapon ng uma­ga sa nabanggit na piitan sa Muntinlupa City.

Kaugnay nito, may 400 inmates naman ng NBP ang nabiyayaan ng libreng medical check-up matapos na magsagawa ng medical mission ang Public Attorney’s Office  (PAO), dakong alas-9 ka­hapon ng umaga.

Ayon kay Acosta, la­yunin ng naturang prog­rama na masuri ang kala­gayan at kalusugan ng mga preso para mabig­yan ng libreng serbis­yong-medical lalo na sa mga may edad at may mga kapansanan.

Sinabi pa ni Acosta sa kanyang paglilibot sa loob ng naturang piitan ay tatlong preso naman ang kanyang nakita na may mga kapansanan sa katawan na nakilalang sina Jovencio Ranille, 55-anyos, tubong-Timapun­dan, Samar na bulag ang dalawang mata at 6-taon ng nakakulong sa kasong murder; isang Alias Zaide, 48-anyos, Arab national na baldado na ang kala­hati ng katawan dahil sa stroke noong nakaraang taon at 5-taon ng naku­long sa kasong illegal recruitment.

Isa rin dito si Ronald Quisada, 55-anyos na lumpo at 6-taon ng naka­kulong sa kasong rape.

Ayon kay Acosta, na­katakdang biyayaan ang naturang mga preso ng executive clemency sa darating na buwan.

Tumulong din ang 30 volunteer doctors at nurse na galing sa iba’t ibang pagamutan sa nasabing medical mission. (Rose Tesoro/Gemma Garcia)


ACOSTA

ALIAS ZAIDE

AYON

GEMMA GARCIA

JOVENCIO RANILLE

MUNTINLUPA CITY

NATIONAL BILIBID PRISONS

OSCAR CALDERON

PUBLIC ATTORNEY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with