^

Bansa

3 guro pinalaya na ng Sayyaf

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines – Tatlong guro na may apat na buwan nang bi­hag ng mga bandidong Abu Sayyaf sa Basilan ang pinalaya na kahapon ng mga kidnaper.

Kinumpirma nina Ba­silan Police Director Senior Superintendent Salik Macapantar at Moro Islamic Liberation Spokesman Eid Kabalu ang pag­papalaya kina Janette delos Reyes, 29; Quizon Freires, 28; at Rafael Mayonado na pawang mga guro sa Landang Gua Elementary School sa Sacol Island, Zam­boanga City.

Kabilang ang MILF sa tumulong sa negosasyon para mapalaya ang mga guro.

Sinabi ni Macapantar na ang mga bihag ay ipinasa ng mga kidnaper kay dating Tuburan, Basi­lan Mayor Hadjarun Ja­miri sa bayan ng Hadji Mohammad Ajul.

Sinabi ni Kabalu na ang mga miyembro ng MILF na nakabase sa Ba­silan ay tumulong sa ne­gosasyon para mapalaya ang tatlong guro na na­unang kinidnap ng mga bandido noong Enero 23 sa Sacol Island at itinago sa Basilan.

Nabatid na ang mga bihag ay pinakawalan ng mga kidnapper bandang alas-11:42 ng tanghali sa Sitio Birahan, Barangay Candiis, Mohamad Ajul.

Sinabi ni Kabalu na dumulog sa MILF ang pamilya ng tatlong guro matapos na magpalabas ng ultimatum na hang­gang 15 araw ang mga kidnappers at kung hindi ay pupugutan ng ulo ang mga hostages.

Nauna nang humingi ng P6 na milyong ransom ang mga kidnappers na naibaba sa P3 milyon at ayon kay Kabalu ay na­katanggap siya ng impor­masyon na P2.5 milyon ang naging kapalit sa pagpapalaya sa mga bi­hag ng grupo ni Sayyaf Commander Aguila.

Sinabi naman ni Basi­lan Crisis Management Team Chairman Vice Governor Abdulrashid Sakalahul na, bagaman may kumakalat na balita sa Basilan na napalaya na ang mga bihag, hindi pa niya ito maaring kum­pirmahin hangga’t hindi naitu-turnover ang mga biktima sa kanilang tang­gapan.

Ayon din kay Sr. Supt. Bayani Gucela, tagapag­salita ng Western Minda­nao Directorate for Integrated Police Operations, naghihintay pa rin silang lumantad ang tatlong guro na sinasabing napa­laya na bago nila ito kum­pirmahin.


vuukle comment

ABU SAYYAF

BARANGAY CANDIIS

BASI

BASILAN

BAYANI GUCELA

KABALU

SACOL ISLAND

SHY

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with