Zambales at QC niyanig ng lindol
MANILA, Philippines - Nakaranas ng pagyanig ang bahagi ng Zambales at Quezon City kahapon ng umaga.
Ayon kay Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Philvolcs) Director Renato Solidum, ganap na alas 9:06 ng umaga nang maramdaman ang nasabing pagyanig na may lakas na intensity 3 sa Subic-Olongapo area habang intensity 2 naman sa Metro Manila kung saan naging sentro ay ang QC at Ortigas.
Tinatawag na Tectonic ang nasabing pagyanig bunga ng marahang paggalaw ng ilalim ng dagat sa Iba fault at Manila trench.
Pagtiyak naman ni Solidum na ang ganitong pagyanig ay malabong magkaroon ng pinsala sa mga imprastaktura dahil hindi umano ito kalakasan kahit umabot pa ang lakas ng pagyanig sa 4.1 magnitude. (Ricky Tulipat)
- Latest
- Trending