MANILA, Philippines - Tahasang sinabi ni Joey de Venecia III na hindi praktikal ang panukalang selective computerization para sa susunod na halalan sa 2010, dahil magiging daan lamang ito sa malawakang dayaan.
Aniya, dahil imposible na ang pagkakaroon ng full automation sa darating na halalan, mas mainam na magkaroon na lamang ng partial computerization, maging ito man ay sa registration, sa pagbibilang ng balota, sa precinct level o sa national tally levels.
Makaraang i-disqualify ng Comelec ang lahat ng bidders, inabisuhan na lamang ni Joey ang Comelec na mamili na lamang ng mga karapat-dapat na supplier mula sa Estados Unidos o sa Europa, sapagkat may mga positibong karanasan na rin sa computerization ang Amerika at Europa.
Sinabi pa ni Joey na ma laki ang tiwala niya sa mga kumpanyang mula sa US at Europa sapagkat may angking galing ang mga ito sa paglaban sa korapsyon upang pangalagaan ang kanilang karangalan.
Ayon pa kay Joey, na kakatakot ang panukalang mamimili na lamang ang gobyerno ng mga lugar sa bansa kung saan ipatutupad ang computerization, sapagkat mas magiging malaki ang tsansa ng dayaan kung magkakagayon. (Butch Quejada)