MANILA, Philippines – Sumakabilang buhay na kahapon si dating National Bureau of Investigation (NBI) Deputy Director for Intelligence Atty. Samuel Ong dahil sa cardiac arrest.
Si Ong ang naglabas ng “mother of all tapes” o orihinal na kopya ng audio tape ng umano ay pag-uusap nina Pangulong Arroyo at dating Comelec Commissioner Virgilio Garcillano, hinggil sa 2004 presidential elections.
Una rito ay ipinatawag mismo ng pamilya ni Ong si Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani kung saan naka-confine ang una para bigyan na ito ng “anointment” o pagbabasbas ng langis sa maysakit.
Dagdag pa ni Bacani, masama na ang lagay ni Ong at hindi na ito masyadong nakakausap.
Nanghihinayang naman si Bacani dahil hindi naging matagumpay ang laban ni Ong sa nasabing isyu at tila wala naman itong kinahinatnan. (Mer Layson)