^

Bansa

Philpost employees nag-file ng graft complaint vs. legal counsel

-

MANILA, Philippines – Sinampahan ng mga concerned employees ng Philippine Postal Corporation ng paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act ang legal counsel nito dahil sa pagtatrabaho umano sa ibang kompanya.

Si Atty. Sim Oresca Mata ay inireklamo makaraang umaktong legal consultant ng National Printing Office noong panahon ni dating Director Philip Evardone at Enrique Agana sa kabila ng pagiging permanenteng abogado niya sa Philpost.

Binatikos din si Mata sa pagpapakita umano nito ng kanyang bagong Toyota Fortuner at relo na Rolex kung saan ito ay hindi angkop sa taunang sweldo niya sa Philpost na nagkakahalaga ng P338.616 lamang.

Bunsod nito’y, sinabi ng mga empleyado sa anim na pahinang reklamo ng mga ito sa Ombudsman na agad magsagawa ng imbestigasyon laban kay Mata dahil nilalabag nito ang R.A. 3019, Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees (R.A. 6731), ang batas na lumikha sa Philpost (R.A. 1379), at sa Civil Service Law.


ANTI-GRAFT AND CORRUPT PRACTICES ACT

CIVIL SERVICE LAW

CODE OF CONDUCT AND ETHICAL STANDARDS

DIRECTOR PHILIP EVARDONE

ENRIQUE AGANA

MATA

NATIONAL PRINTING OFFICE

PHILIPPINE POSTAL CORPORATION

PHILPOST

PUBLIC OFFICIALS AND EMPLOYEES

SI ATTY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with