^

Bansa

Pamilyang Pinoy na-quarantine sa Macau

-

MANILA, Philippines – Isang pamilyang Pinoy sa Macau ang isinailalim sa quarantine matapos na magkaroon ng contact sa isang pasyente na infected ng influenza A/H1N1 virus.

Sa ulat ng Department of Foreign Affairs (DFA), bagamat nag-negatibo na umano sa swine flu ang lahat ng miyembro ng pamilya, na kinabibilangan ng mag-asawa at tatlo nitong anak, mananatili pa rin sa isang linggong isolation ang pamilya.

Pinaalalahanan naman ng DFA ang libu-libong Pinoy sa Japan matapos tumaas na sa 200 ang kumpirmadong kaso ng kinata­taku­tang virus at nakapasok na rin sa Tokyo na may 32 mil­yong mamamayan sanhi ng pag­papasara ng mahigit 4,000 paaralan.

Samantala, may pitong bagong kaso ng hinihinalang kaso ng AH1N virus sa bansa.

Ayon kay Health Undersecretary Mario Villaverde, lima sa mga ito ay kasalukuyang nasa pagamutan sa NCR, isa sa Region 6, at isa sa region 8.

Ang mga ito aniya ay mula sa mga bansang apektado ng AH1N1 virus tulad ng Hong Kong, Thailand, USA, China at Germany.

Gayunman ayon kay Villaverde ay nakabinbin pa rin ang resulta ng laboratory test na ginawa sa mga ito.

Tiniyak din ni Villaverde na ligtas parin sa A h1N1 virus ang bansa sa kabila ng ulat ng World Health Organization na maging ang bansang Greece ay apektado na rin ng virus. (Ellen Fernando/Mer Layson/Doris Franche)

 


AYON

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

DORIS FRANCHE

ELLEN FERNANDO

HEALTH UNDERSECRETARY MARIO VILLAVERDE

HONG KONG

MER LAYSON

PINOY

VILLAVERDE

WORLD HEALTH ORGANIZATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with