48 oras ultimatum vs Gadian

MANILA, Philippines - Binigyan kahapon ng 48 oras na ultimatum ng liderato ng  Philippine Navy si whistleblower Lt. Senior Grade Mary  Nan­cy Gadian para kusang loob na sumuko kaugnay ng pinasabog nitong umano’y korapsyon sa P46-M Balikatan fund.   

Sinabi ni Navy Spokesman Marine Lt. Col. Ed­gard Arevalo na kapag nagtapos ang palugit hang­gang alas-10 ng umaga sa Biyernes at nabigong sumuko si Ga­dian ay idedeklara na itong renegade o pugante at ipapatupad na ang ‘apprehension order’ o paghuli dito, aalisin sa roster ng AFP matapos ang 90 araw simula ng mag-AWOL (Absence Without Official Leave) at tatanggalan ng mga benepisyo sa ser­bisyo.

Una nang kinaladkad ni Gadian sa kontrober­sya si dating AFP-Western Command Chief ret. Lt. Gen. Eugenio Cedo na umano’y nakinabang sa P46 M Balikatan fund na aniya’y ginawang ‘milking cow’ ng mga tiwaling heneral na itinanggi na­man ng huli. (Joy Cantos)

Show comments