48 oras ultimatum vs Gadian
MANILA, Philippines - Binigyan kahapon ng 48 oras na ultimatum ng liderato ng Philippine Navy si whistleblower Lt. Senior Grade Mary Nancy Gadian para kusang loob na sumuko kaugnay ng pinasabog nitong umano’y korapsyon sa P46-M Balikatan fund.
Sinabi ni Navy Spokesman Marine Lt. Col. Edgard Arevalo na kapag nagtapos ang palugit hanggang alas-10 ng umaga sa Biyernes at nabigong sumuko si Gadian ay idedeklara na itong renegade o pugante at ipapatupad na ang ‘apprehension order’ o paghuli dito, aalisin sa roster ng AFP matapos ang 90 araw simula ng mag-AWOL (Absence Without Official Leave) at tatanggalan ng mga benepisyo sa serbisyo.
Una nang kinaladkad ni Gadian sa kontrobersya si dating AFP-Western Command Chief ret. Lt. Gen. Eugenio Cedo na umano’y nakinabang sa P46 M Balikatan fund na aniya’y ginawang ‘milking cow’ ng mga tiwaling heneral na itinanggi naman ng huli. (Joy Cantos)
- Latest
- Trending