Bidder isa na lang ang natira

MANILA, Philippines – Disqualified na rin ang isa sa dalawang nalalabing consortium sa poll automation project.

Sinabi ni Atty. Ferdi­nand Rafanan, chairman ng Spe­ cial Bids and Awards Committee ng Comelec, ang Smartmatic/TIM na lamang ang natira matapos na ideklara noong Lunes ng gabi ang Indra Sistemas/SAHI and Hart Intercivic na diskwalipikado para mag-bid sa proyekto.

Gayunman, inaasahan ang mosyon ng Gilat Satellite Network/FF Cruz & Co. Inc. na una nang naka­bilang sa disqualified bidder sa unang round.

Nilinaw ni Rafanan na hindi lang Plan B ang ini­handa nilang contingency plans sakaling magka­roon ng aberya dahil may naka­kasa sila hanggang plan D.

Aniya, sakaling wala nang matira o bumagsak sa requirements ang Smartmatic at hindi rin maaprubahan ang motion for reconsideration na ihahain ng mga naunang na-disqualify, may naka­handa silang alternatibo. (Ludy Bermudo)


Show comments