Bidder isa na lang ang natira
MANILA, Philippines – Disqualified na rin ang isa sa dalawang nalalabing consortium sa poll automation project.
Sinabi ni Atty. Ferdinand Rafanan, chairman ng Spe cial Bids and Awards Committee ng Comelec, ang Smartmatic/TIM na lamang ang natira matapos na ideklara noong Lunes ng gabi ang Indra Sistemas/SAHI and Hart Intercivic na diskwalipikado para mag-bid sa proyekto.
Gayunman, inaasahan ang mosyon ng Gilat Satellite Network/FF Cruz & Co. Inc. na una nang nakabilang sa disqualified bidder sa unang round.
Nilinaw ni Rafanan na hindi lang Plan B ang inihanda nilang contingency plans sakaling magkaroon ng aberya dahil may nakakasa sila hanggang plan D.
Aniya, sakaling wala nang matira o bumagsak sa requirements ang Smartmatic at hindi rin maaprubahan ang motion for reconsideration na ihahain ng mga naunang na-disqualify, may nakahanda silang alternatibo. (Ludy Bermudo)
- Latest
- Trending