Sanggol negatibo, 3 bagong kaso ng AH1N1 binabantayan

MANILA, Philippines – Matapos mag-negatibo sa kinatatakutang AH1N1 ang isang sanggol, 3 pang bagong kaso umano ngayon ang inoobserbahan dahil na rin sa taglay na flu-like symptoms.

Ayon kay Dr. Eric Tayag, director ng DOH-National Epidemiology Center (NEC), Lunes ng gabi nang ilabas ang negatibong resulta ng influenza test sa 11-buwang gulang na sanggol mula sa Japan, na nai-quarantine sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) at pinayagan na itong maiuwi.

Kasabay nito, kinumpirma rin ang tatlo pang indibidwal na nagmula sa mga bansang apektado ng nasabing flu virus na naka-quarantine. Isa sa RITM at dalawa umano ang nasa pribadong ospital.

Ayon kay DOH Undersecretary Mario Villaverde, ang 3 ay pang-65 na kaso na sa mga sinuri.

Tiniyak naman ni Tayag na mas maghihigpit ngayon ang Bureau of Quarantine sa pagmonitor sa airports at iba pang ports of entry dahil papalapit na sa bansa ang mga naapektuhan ng virus. (Ludy Bermudo)


Show comments