MANILA, Philippines – Nagpalabas kahapon ng P1.5 milyong reward ang Philippine National Po lice para sa sinumang makapagtuturo sa utak at mga responsable sa tatlong insidente ng pag-atake kabilang ang pambobomba sa convoy ng dalawang gobernador sa Mindanao.
Ito ang inihayag ni PNP Chief Director General Jesus Verzosa sa mga reporter sa Camp Crame kahapon.
Sinabi ni Verzosa na P500,000.00 ang inilaan nilang reward sa sinumang makapagtuturo sa mga suspek sa pambobomba sa convoy ni Sulu Governor Abdusakur Tan noong Mayo 13 sa Patikul, Sulu.
Ang ibang insidente ay ang pambobomba sa convoy ni Autonomous Region in Muslim Mindanao Gov. Andal Ampatuan at pananalakay ng mga rebelde sa Sultan Kudarat. (Joy Cantos)