MANILA, Philippines – Nasa rank number 10 ang Pilipinas sa mga kaso ng pagpatay sa pamamagitan ng mga baril na walang lisensya sa buong mundo.
Ito ang nabatid kahapon kay Philippine National Police Chief Director General Jesus Verzosa sa National Summit on Firearms Control na ginaganap sa Camp Crame.
Sinabi ni Verzosa na labis na nakakaalarma dahil mula sa taong 2004 hanggang 2008 ay aabot sa 97.7 porsiyento ng mga krimen ay sanhi ng mga loose firearms o mga baril na walang mga lisensya.
Sinabi ni Verzosa na tututukan ng PNP ang pagkontrol sa mga loose firearms na karaniwan ng nagagamit sa mga karumaldumal na krimen. (Joy Cantos)