Low pressure sa Mindanao
MANILA, Philippines - Isang shallow low pressure area ang namataan ng PAGASA sa timog-silangan ng Southern Mindanao na posible umanong magdulot ng pag-ulan.
Ayon kay Adzar Aurello, weather observer ng ahensya, batay sa satellite and surface data, ang naturang SLPA ay nakapaloob umano sa intertropical convergence zone (ITCZ) na nakakaapekto sa Visayas at Mindanao.
Dahil dito ang bahagi ng Bicol region, Visayas at Mindanao ay makakaranas ng madalas na maulap na ka langitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkulog-pagkidlat.
Ang Kalakhang Maynila ay makakaranas din ng bahagya hanggang sa kung minsan ay maulap na kala ngitan na may pulu-pulong pag-ulan o pagkulog-pagkidlat.
Habang ang nalalabing bahagi ng bansa ay magiging bahagya hanggang sa kung minsan ay maulap ang pa pawirin na may pulu-pulong pag-ulan o pagkulog-pagkidlat lalo na sa dakong hapon o gabi. (Ricky Tulipat)
- Latest
- Trending