BF namumuro sa kalaboso

MANILA, Philippines – Kulong ng hindi ba­baba sa tatlong taon ang posibleng maging parusa ni Metro Manila Development Authority (MMDA) chairman Bayani ‘BF” Fernando kung mapapa­tu­nayan ang naunang ibinunyag ni Sen. Jose “Jinggoy” Estrada na tumanggap ito ng regalo na nasa P1.1 milyon bi­lang birthday gift na ang pondo ay kinuha sa Metro Manila Film Festival (MMFF).

Ito ang sinabi kaha­pon ni Estrada sa pana­yam sa programang Kar­tada Escalera sa dzXL.

Ayon kay Estrada, ipinagbabawal sa Presidential Decree No. 46 ang pagtanggap ng regalo sa sinumang empleyado at opisyal ng gobyerno.

Sinabi pa ni Estrada na hindi ordinaryong kaso ang nangyari kay Fernan­do dahil ipinang-regalo niya sa kanyang sarili ang P1.1 milyong pondo ng MMFF sa tatlong (3) birthday party noong 2003, 2005 at 2006.

“Iyon pa lang ang na­ki­ kita natin, 3 birthday, paano pa kaya iyong mga iba pang taon na nag-birthday si Fernando,” ani Estrada.

Naunang ibinunyag ni Estrada ang unti-unti umanong pagkawaldas ng pondo ng MMFF sa kanyang privilege speech sa Senado.

Sinabi pa ni Estrada na anumang araw ay po­sibleng magpatawag ng public hearing si Senador Richard Gordon, chairman ng blue ribbon committee, tungkol pagkawal­das ng pondo ng MMFF.

Dapat aniyang mali­naw na maipaliwag ni Fernando ang nasabing isyu at hindi sapat ang sagot nito sa ilang interview na hindi na niya matandaan ang nasa­bing regalong natanggap sa kanyang kaarawan. (Malou Escudero)


Show comments