^

Bansa

Pananatili ng Pandacan oil depot, malabo pa

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Hindi pa lubos ang ta­gumpay ng mga konse­hal na pabor sa pagpa­pa­natili ng oil depot at ng iba pang mga kompanya sa Pan­dacan, Maynila dahil pag-aa­ralan pa ito ni Manila Mayor Alfredo Lim sa loob ng 15 araw kung saan isa­sa­gawa din ang mga kon­sul­tasyon sa iba’t ibang sektor.

Ayon kay Lim, hindi pa niya natatanggap ang kopya ng naipasang Ordinance No. 7177 na ina­akda ni Manila 1st District Councilor Arlene Koa su­balit titiyakin niyang susun­din niya ang utos ng korte at ang kapakanan ng na­ka­rarami.

Aniya, kailangan na balansehin ang lahat ng aspeto dahil dito rin naka­sa­lalay ang pagkalugi at pag-unlad ng Maynila.

Aminado si Lim na nga­yon lamang niya naitin­dihan ang ordinansang na­ipasa dahil hindi niya pina­kikialaman ang trabaho ng konseho na pawang le­gis­lative. Aniya, hiwalay ang executive sa legislative.

Lumilitaw naman na uma­abot sa halos P70 mil­yon ang buwis kada taon ang mawawala sa city govern­ment sakaling ma­wala ang top 7 companies sa Pandacan.

Samantala, tahasang sinabi ni Manila 6th District Councilor Bonjay Isip-Garcia na dapat na i-veto ni Mayor Lim ang ipina­sang Ordinance No. 7177 ng City Council o “ Manila Comprehensive Land Use Plan and Zoning Ordinance of 2006”.

Ayon kay Garcia, illegal ang nasabing ordi­nansa na posibleng mag­dulot lamang ng mas mala­king panganib at pagkalugi ng lungsod.

Hindi naman mawa­wala ang revenue at employment sa lungsod sa­kaling mapalayas na mga industriya sa Pandacan, Maynila tulad na rin ng kina­tatakutan ng pamaha­laang lungsod ng Maynila.

Sa katunayan umano, mas tataas pa ang presyo ng lugar kung hindi na ma­ibibilang ang mga ito sa industrial site. Binanggit din ng lady councilor na ang oil depots na maituturing na highly pol­lutive at hazardous indu­stries ay kaila­ngang mai-relocate sa countryside kung saan hindi sila maka­pagdudulot ng panganib sa buhay at kabuhayan.

ANIYA

AYON

CITY COUNCIL

DISTRICT COUNCILOR ARLENE KOA

DISTRICT COUNCILOR BONJAY ISIP-GARCIA

MANILA COMPREHENSIVE LAND USE PLAN AND ZONING ORDINANCE

MAYNILA

ORDINANCE NO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with