^

Bansa

Video ng Comelec official sinisiyasat na

-

MANILA, Philippines - Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Commission on Elections hinggil sa isang kontrobersyal na video na lumabas sa inter­net na may kinalaman sa umano’y lihim na pakikipag-transaksyon ng isang Comelec official sa mga kinatawan ng isa sa mga bidders para sa kanilang P11.2 billion poll automated contract.

Ayon kay Comelec Chair­man Jose Melo, ina­ tasan na niya ang National Bureau of Investigation (NBI) at ang resident ombudsman para magsagawa ng imbestigasyon hinggil sa nasabing kontrobersiya.

Ipinaliwanag ni Melo na ito ay para matiyak aniya sa publiko na walang itinatago ang Comelec hinggil sa proseso ng bidding para sa mga makinang gagamitin sa automated polls sa May 10, 2010.

Maging ang bawat do­ kumento ng bawat bidder ay pinaiimbestigahan ng Comelec para makita kung may isiningit o idinag­dag sa mga nilalaman nito.

Sa nasabing video nakasaad sa titulo na nasa loob umano ng CR ang mga kinatawan ng bidder na Gilat/F.F. Cruz habang lumalagda sa isang dokumento, at nag­hihintay naman umano si Comelec-Special Bids and Awards Committee chairman Atty. Ferdinand Rafa­nan.

Nagpahayag naman ng pagdududa si Melo sa nasabing video na kung titingnan aniya ay maaring kuha gamit ang cellphone camera at posibleng gawa ng kampo ng ibang bidder.

Dagdag pa ni Melo, hindi rin naman nakita sa nasabing video si Rafanan at tanging ilang lalaki na hindi pa rin malinaw sa kanila ang pagkakakilalan. Itinanggi na rin naman ni Rafanan ang naturang isyu. (Doris Franche)

vuukle comment

COMELEC

COMELEC CHAIR

COMELEC-SPECIAL BIDS AND AWARDS COMMITTEE

DORIS FRANCHE

FERDINAND RAFA

JOSE MELO

MELO

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

RAFANAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with