4 university sa Pinas pasok sa top 200 sa Asia

MANILA, Philippines - Apat na nangungunang unibersidad sa bansa ang nakapasok sa listahan ng “Top 200 Asian Universities.”

Inokupa ng University of the Philippines (UP) ang ika-63 puwesto, ika-76 naman ang De La Salle University (DLSU), ika-84 ang Ateneo de Manila University at nasa 144 puwesto ang University of Santo Tomas (UST).

Nasa Top 5 ang University of Hongkong, Chinese University of HongKong, University of Tokyo (Japan), Hong Kong University of Science and Technology (HK), at Kyoto University (Japan).

Pinakamaraming pa­ aralan na nakapasok sa Top 200 ang Japan na may 58, sumunod ang South Ko­rea na may 46 uniber­sidad, Taiwan na may 15, India na may 11, Thailand at Indonesia na may tig-8 at Malaysia na may 6 na unibersidad.

Sinabi ni Nunzio Quac­quarelli, managing director, na ang resulta ng naturang rankings ay ibinase hindi lamang sa kalidad ng edu­kasyon ngunit maging sa mataas na produksyon sa pananaliksik kumpara sa mga ibang pamantasan sa Asya.                               

Duda naman ang mga opisyales ng UP sa kredibi­lidad ng naturang survey ma­­tapos na tumanggi umano ang mga organizer nito na ipakita ang mga detalyeng kanilang naka­lap.

Posible umanong gina­wa lamang ito dahil sa ne­gosyo kung saan ipinapa­upa ng QS ang kanilang serbisyo upang itaas ang rankings ng mga unibersi­dad.

Tumanggi naman ang Commission on Higher Education (CHED) na mag­bigay ng opisyal na paha­yag sa naturang pag-aaral na kanilang inaanalisa pa. (Danilo Garcia)

Show comments