^

Bansa

'Salvaging' sa Davao nasilip na ng UN

-

MANILA, Philippines – Nasilip na rin ng United Nations (UN) ang patuloy na nagaganap na “summary execution” o salva­ging na sinasabing kaga­ga­­wan umano ng grupong Davao Death Squad (DDS) sa Davao City.

Sa 16-pahinang report ni UN special rapporteur Philip Alston sa Human Rights Council, sinasabing dapat ng umaksiyon ang gobyerno ng Pilipinas sa nagaganap na patayan sa Davao dahil labis na itong nakakabahala makaraang lumobo na sa mahigit 1,000 katao ang nagiging biktima.

Ayon pa kay Alston, ang mga miyembro ng DDS ay nag-o-operate ng may ‘complete immunity’ o ligtas sa anumang kaparu­sahan, kaya’t lalong luma­la­kas ang loob ng mga ito na gumawa ng krimen kahit sa katanghalian tapat.

Bunsod nito’y, inireko­menda ni Alston sa National Police Commission na alisan ng kapang­yari­han ang lokal na kapulisan at magsagawa na lang ito ng sariling imbestigasyon.

Dahil sa report ni Als­ ton kaya inatasan na ni Pa­ngulong Arroyo sina DILG Secretary Ronaldo Puno PNP chief, Director Ge­neral­ Jesus Verzosa na lutasin ang problema ng ‘salvaging’ sa Davao, ares­tuhin at kasuhan ang mga miyembro ng Death Squad. (Butch Quejada)


ALSTON

BUTCH QUEJADA

DAVAO

DAVAO CITY

DAVAO DEATH SQUAD

DEATH SQUAD

DIRECTOR GE

JESUS VERZOSA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with