Lacson dapat ding imbestigahan

MANILA, Philippines – Hinamon ng Crusade for a Better Philippines ang mga senador na imbesti­gahan din nito ang mga kabaro na sangkot sa illegal na gawain upang ma­pa­tunayang parehas kahit na kanino man.

Ayon kay Crusade Sec­retary General Jess Perico, kung walang limi­tasyon sa imbestigasyon laban kay Sen. Manny Villar ay dapat na ito din ang maging pamantayan sa pagsasagawa ng im­bestigasyon sa lahat ng Senador.

Tulad aniya ni Senador Panfilo Lacson na hang­gang ngayon ay walang senador na nagsusulong para isailalim din ito sa imbestigasyon sa kabila ng mga alegasyon laban sa kanya tulad ng umano’y utak sa Dacer-Corbito murder case, ang 300,000 piraso ng BW Shares of stocks at ang umano’y kwestiyonableng yaman sa kabila ng pagiging isang pulis lamang sa buong buhay nito.

Idinagdag pa ni Perico na dapat na manguna at magkusa si Lacson na siya ay maimbestigahan upang totoong malinis ang mora­lidad para na din mag­ka­roon ito ng karapatang moral na mag-imbestiga sa ibang senador na sang­kot sa katiwalian. (Butch Quejada)


Show comments