^

Bansa

Brother Mike idiniin sa C-5

- Ni Malou Escudero -

MANILA, Philippines – Tahasang sinabi ka­hapon ng kampo ni Sen. Jamby Madrigal na may hawak silang mga doku­mento na makapagpapa­tunay na kumita si El Shaddai servant-leader Mike Velarde ng P1.5 bil­yon sa kontrobersyal na C-5 road extension project na nagdadawit din kay Sen. Manuel Villar, Jr.

Ang pagbubunyag ay sinabi ng legal counsel ni Madrigal sa ginanap na pulong ng Committee of the whole na gumagawa ng preliminary investigation sa paratang laban kay Villar.

Sa naturang pagsisi­yasat, sinabi ni Atty. Er­nesto Francisco Jr., kina­tawan at abogado ni Madrigal, na may dokumento silang magpapatunay na nakasingil sa gobyerno ang Amvel Land Development na pag-aari ni Velarde.

Anang abogado, no­ong inilihis ang C-5 Road Extension Project, naka­singil ang kompanya ni Velarde ng halagang P1.2 bilyon mula sa P2.6 bil­yong budget ng gobyerno sa C5 Link Expressway at R-1 Expressway Ext.

Tanging P1.8 bilyon la­mang ang nagamit umano ng pamahalaan mula sa P2.6 bilyong original budget sa naturang proyekto.

“Umabot lamang sa P1.8 bilyon ang ibinayad sa mga may-ari ng lupang dinaanan ng kalsada sa original plan ng proyekto. Mula sa naturang halaga, umabot sa P1.2 bilyon ang naibayad sa Amvel Land Development na pag-aari ni Bro. Mike Velarde,” ayon kay Atty. Francisco.

Maliban sa Amvel, naba­yaran din umano ng pamahalaan ang road right of way sa mga lupain na dinaanan ng proyekto kabilang ang SM Properties Holdings at Adelfa Properties.

Bukod pa sa P1.2 bil­yon, sinabi pa ni Francisco na may kinita pang hiwalay na P300 milyon ang kom­panya ni Velarde nang magkaroon ng panibagong paglilihis sa proyekto dahil nadaanan naman ang Multi-National Village sa ginawang daan patungong Sucat Road.

Nauna umanong gi­nawa ng Department of Public Works and Highways ang C-5 to Coastal Road Project na dadaan sana sa Barangay San Dionisio, ngunit hindi na­tuloy at muling inilihis ang proyekto na dumaan sa lupain ni Velarde.

“Kumolekta ang Amvel Land Development ng halagang P300 milyon sa bagong alignment ng pro­yekto noong 2007 – 2008,” ayon pa kay Francisco.

Nagmula umano ang naturang halaga sa P1.7 bilyong budget na idinag­dag ng gobyerno bilang pambayad sa road right of way para sa ikala­wang realignment ng daan parti­kular ang Las Pinas-Para­ñaque Link Road mula sa Sucat Road patungo sa Pulang Lupa, paliwanag ni Francisco.

vuukle comment

ADELFA PROPERTIES

AMVEL LAND DEVELOPMENT

BARANGAY SAN DIONISIO

COASTAL ROAD PROJECT

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

MIKE VELARDE

ROAD

SHY

SUCAT ROAD

VELARDE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with