Probe sa deactivation ng botante hiniling

MANILA, Philippines - Hiniling kamakailan ni Valenzuela City Representative Magtanggol Gunigundo I sa mababang kapulungan ng Kongreso na imbestigahan ang hakbangin ng Commission on Elections na I-deactivate ang 33,069 botante sa Valenzuela kahit hindi pa ito naaaprubahan ng Election Regulatory Board.

Sinabi ni Gunigundo na ang naturang hakbang ay paglabag sa karapatan ng mga botante at maituturing na large-scale disenfranchisement.

Sa listahan anya ng mga botate na ide-deactivate ng Comelec, 280 lang ang namatay o lumipat ng tirahan o dalawang beses nagparehistro.

Ayon kay Gunigundo, marami sa listahan ang alam niyang bumoto sapagkat ang mga ito’y kaniyang personal na kakilala. Kabilang na dito ang kaniyang driver, ang kapatid ng isa niyang staff, tatay ng kaibigan niyang Punong Barangay, at marami pang iba. Ang mga taong nasa listahan ng COMELEC-Valenzuela subalit bumoto noong mga nakaraang eleksyon ay handang pumirma ng affidavit na pinasisinungalingan na sila’y di bumoto nitong nakaraang dalawang eleksyon.(Butch Quejada)

Show comments