MANILA, Philippines – Umalma ang mga District Officials sa umano’y panggigipit na ginagawa ng mga pulis ng Land Transportation Office dahil sa umano’y lingguhang pa ngongotong ng mga ito.
Sinabi ng isang district officer na di nagpabanggit ng pangalan na hinihingan sila ng mga Ito ng P10,000 tuwing linggo kahit alam ng mga Ito na wala silang Ibang pinagkukunan ng kita kundi ang kanilang sahod.
Kasama anila sa tara ang pagbebenta nila ng insurance policy sa mga magrerehistro ng sasakyan sa kanilang tanggapan gayung hindi naman nila umano ito trabaho at Ito ay illegal dahil karapatan ng car owner ang pumili ng kanilang Insurance company.
Una rito, umalma na rin ang mga legitimate Private emission test centers, drug testing center owners, IT-Petc providers at ilan pang may negosyo sa LTO sa umano’y panghaharas na ng mga pulis na umano’y humihingi ng lagay sa kanila.
Bunsod nito’y, iniutos ni LTO Chief Arturo Lomibao na imbestigahan ang responsable sa naturang pangongotong. ipinag-utos na din ni Senador Miguel Zubiri kay Department of Transportation and Communication Undersecretary Anneli Lontoc na isumite ang report hinggil sa pagsugpo sa mga tiwaling PETC na nagsasagawa ng non-appearance at lumalabag sa Clean Air Act. (Butch Quejada)