^

Bansa

LTO umaray sa 'kotong'

-

MANILA, Philippines – Umalma ang mga District Officials sa umano’y panggigipit na ginagawa ng mga pulis ng Land Transportation Office dahil sa umano’y ling­guhang pa­ ngo­ngotong ng mga ito.

Sinabi ng isang district officer na di nagpabanggit ng pangalan na hinihi­ngan sila ng mga Ito ng P10,000 tuwing linggo kahit alam ng mga Ito na wala silang Ibang pinag­kukunan ng kita kundi ang kanilang sahod.

Kasama anila sa tara ang pagbebenta nila ng insurance policy sa mga magrerehistro ng sasak­yan sa kanilang tang­gapan gayung hindi na­man nila umano ito tra­baho at Ito ay illegal dahil karapatan ng car owner ang pumili ng ka­ni­lang Insurance company.

Una rito, umalma na rin ang mga legitimate Private emission test centers, drug testing center owners, IT-Petc providers at ilan pang may negosyo sa LTO sa umano’y pang­haharas na ng mga pulis na umano’y humihingi ng lagay sa kanila.

Bunsod nito’y, iniutos ni LTO Chief Arturo Lo­mibao na imbestigahan ang responsable sa na­turang pangongotong. ipinag-utos na din ni Senador Miguel Zubiri kay Department of Transportation and Communication Undersecretary Anneli Lontoc na isumite ang report hinggil sa pag­sugpo sa mga tiwaling PETC na nagsasagawa ng non-appearance at luma­labag sa Clean Air Act. (Butch Quejada)


vuukle comment

BUTCH QUEJADA

CHIEF ARTURO LO

CLEAN AIR ACT

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATION UNDERSECRETARY ANNELI LONTOC

DISTRICT OFFICIALS

LAND TRANSPORTATION OFFICE

SENADOR MIGUEL ZUBIRI

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with