Kidnappers ni Vagni nakasagupa ng Marines

MANILA, Philippines – Isang sundalo ng Philippine Marines ang nasu­ga­tan matapos makasa­gupa ang mga bandidong Abu Sayyaf na may ha­wak sa nalalabing hostage na si Italian national Eugenio Vagni sa Inda­nan, Sulu nitong Martes.

Ayon kay Navy Spokes­man Marine Lt. Col. Edgard Arevalo, bandang alas-9:35 ng umaga ng maka-eng­kuwentro ng Force Reconnaissance ng 62nd at 63rd Marine Companies ang hindi pa madeterminang bilang ng grupo ng Abu Sayyaf sa bisinidad ng Sitio Bunga at Buanza sa nasa­bing bayan.

Ang mga bandido ay pinamumunuan nina Abu Jumdail alyas Doc Abu Pula at Albader Pa­ rad.

Gayunman, ayon kay Arevalo ay hindi nama­taan ang hostage na si Vagni sa encounter site na pinanini­walaang itinatago ng mga bandidong kidnappers sa isang safe­house.

Bandang alas-11 :30 ng matapos ang putukan na ikinasugat ng isang sundalo habang nagsi­atras na ang mga kidnappers bitbit ang mga nala­gas na kasama­han. (Joy Cantos)


Show comments