MANILA, Philippines – Dumipensa kahapon ang isang Cavite congressman sa kontrobersyal na C-5 road extension project na aniya’y malaking pakinabang sa mga motoristang nagmamadali.
Ayon kay Rep. Elpidio Bargaza, (KAMPI), kahit binabatikos si Sen. Manuel Villar sa isyu, marami ang makikinabang sa proyektong ito dahil napapaikli ang oras sa pagbibiyahe mula Cavite patungo sa Maynila.
Inihalimbawa ni Bargaza ang kanyang sarili nang sabihing isang oras mahigit ang natitipid niya sa paglalakbay kumpara sa dati niyang ruta sa coastal road sa pagpunta niya sa Batasan sa Quezon City.
Nilinaw niyang wala siyang pinapanigan sa isyu alang-alang sa tinatawag na parliamentary courtesy. Nagbigay lamang siya ng pahayag alinsunod sa tu nay na kapakinabangan sa kontrobersiyal na kalsada. (Butch Quejada)