CEBU, Philippines – Iginiit kahapon ng Malacanang na mag-eendorso si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ng magiging “manok” nito sa 2010 national elections.
Sinabi ni Executive Secretary Eduardo Ermita na karapatan ni Pangulong Arroyo na magkaroon ng sari ling kandidato sa halalan.
Ginawa ni Ermita ang pahayag bilang tugon sa panawagan ni Senador Edgardo Angara na maging apolitical ang Punong Ehe kutibo sa halalang pampanguluhan.
Pero sinabi ni Ermita na sariling desisyon na iyon ni Gng. Arroyo bilang tagapangulo ng makaadministrasyong partido kung sinong kandidato ang susuportahan nito.
Sinabi pa ng kalihim na inaayos na ng Lakas at Kampi ang pagsasanib nito kaya dapat na lamang hintayin kung ano ang magiging desisyon ng Pangulo sa susuportahan nitong kandidato sa 2010 elections. (Rudy Andal)