Baboy ng Canada OK na

MANILA, Philippines – Pinahintulutan na kahapon ng Department of Agriculture-Bureau of Animal Industry ang importasyon ng mga produktong baboy mula sa Canada.

Ginawa ng DA-BAI ang hakbang kasunod ng ulat na hindi nahawahan ng kontrobersyal na A/H1Ni influenza virus ang mga baboy sa naturang bansa.

Naunang ipinagbawal ang pagpasok sa Pilipinas ng mga produktong baboy ng Canada nang mapaulat na isang babuyan doon ang nahawahan ng A/H1N1 mula sa isang karpintero na nagmula sa Mexico na naunang pinagkalatan ng virus. (Angie dela Cruz)

Show comments