P1.1 milyon birthday gift kay Bayani nagmula sa pondo ng MMFF
MANILA, Philippines – Ibinunyag kahapon ni Senator Jose “Jinggoy” Estrada na umabot sa P1.1 milyon ang natanggap na birthday gift ni Metro Manila Development Authority Chairman Bayani Fernando mula sa pondo ng Metro Manila Film Festival na unti-unti na umanong nawawaldas.
Sa kanyang privilege speech, ibinunyag ni Estrada na nawa waldas ang pondo ng MMFF at dapat maparusahan ang mga nagpapasasa rito.
Ayon kay Estrada, noong July 24, 2003, nakatanggap umano si Fernando ng P500,000 na cash gift para sa kaarawan nito na ipinagdiwang noong July 25, 2003. Ang pondo ay kinuha umano sa share ng tatlong benepisyaryo ng pondo ng MMFF na kinabibilangan ng Mo welfund, Film Academy, at Anti-film piracy council.
Noon namang July 21, 2005, nakatanggap na naman ng P100,000 cash gift si Fernando para sa kanyang kaarawan.
Kapuna-puna umano na simula nang hawakan ang pondo ng MMFF ay lumiit na nang lumiit ito na dapat sana ay pakinabangan ng mga nasa industriya ng pelikula.
Hindi rin aniya naipapamigay nang tama sa paraang itinakda ng batas ang kita ng MMFF. Iginiit ni Estrada na dapat ang movie industry na ang humawak ng pondo at alisin na ito sa MMDA. (Malou Escudero)
- Latest
- Trending