Pacquiao intelligence agent na ng DOJ

MANILA, Philippines – Bilang pagkilala sa tagumpay ni People’s Champ Manny “Pacman” Pacquiao sa kanyang laban kay Ricky Hatton sa Las Vegas, dalawang posisyon ang ipinagkaloob sa kanya ng pamahalaan.

Nauna rito, itinalaga ni Pangulong Gloria Maca­pagal-Arroyo si Pacquiao bilang ambassador for peace and understanding.

Kasunod nito, itinalaga si Pacquiao bilang special intelligence agent ni Department of Justice Secretary Raul Gonzalez.

Nilagdaan ni Gonzalez ang isang kautusan na nagtatalaga kay Pacquiao bilang kanyang special assistant for intelligence matters.

Ikinagulat naman ito ng mga empleyado ng DOJ dahil sa pagbuo ng isang posisyon ng Kalihim para kay Pacquiao.

Nakasaad din sa department order na nilagdaan ng kalihim na makikipag ugnayan sa National Bureau of Investigation si Pacquiao sa pagpapatupad ng tung­kulin nito.

Nilinaw pa ng kalihim na epektibo kaagad ang nasabing kautusan.

Bukod dito, ayon kay Gonzalez, honorary position ang hahawakan ni Pacquiao bilang parangal dito kaya wala itong tatanggaping suweldo.


Show comments