Kano nanggulpi ng misis, ban sa Pinas

MANILA, Philippines - Ipinalagay sa blacklist ng Bureau of Immigration ang isang American national na umaabuso sa kanyang Pinay na asawa sa Floris­ sant, Missouri.

Batay ito sa liham na ipinadala ng Department of Foreign Affairs (DFA) noong Abril 30, kay Immigration Commissioner Mar­celino Libanan hinggil sa kahili­ngang i-ban sa pag­pasok ng bansa ang isang Timothy Kent Boggess, 42, bilang undesirable alien.

Dahil dito, napalabas ng blacklist order si Libanan laban lay Boggess ng Flo­rissant Missouri na huwag payagang makapa­sok sa bansa upang hindi maka­pambiktima pa ng ibang Pinay.

Inireklamo ng asawang Pinay ni Bog­gess ang pag­mamaltrato sa kaniya kabi­lang ang pana­nakit at pag­kakaroon ng ibang babae matapos silang ikasal. Lu­long umano sa ili­gal na droga ang kanyang mister at mahilig sa por­nograpiya.

Kasama sa request ng Pinay ang offense report ng Florissant Police Department kung saan sinaktan ni Boggess ang Pinay na asawa noong Nobyembre 23, 2008 at nagtamo siya ng mga pasa sa katawan nang kaladkarin papalabas ng computer room nang paki­alaman niya ang computer ng mister.

Nag-isyu na rin ang DFA ng circular sa lahat ng Philippine posts sa ibayong da­gat na huwag isyuhan ng visa si Boggess. (Ludy Bermudo) 

Show comments