^

Bansa

QCPD cops 'inabandona' ni General Rosales

-

MANILA, Philippines - Demoralisado umano ngayon ang mga kagawad ng Quezon City Police District (QCPD) dahil sa anila’y pagpapabaya sa kanila ni National Capital Region Police Office (NCRPO) director Chief Supt. Roberto Rosales matapos na ma­ suspinde kapalit ng uma­no’y pagpapatupad ng kanilang tungkulin hinggil sa Ted Failon case.

“Hindi na kami aasa pa sa kanya (Rosales) dahil inabandona niya kami,” saad ng mga pulis na na­kabase sa Camp Karingal.

Magugunita na kara­mihan sa mga opisyal at tauhan ng QCPD-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) na humawak sa kaso ni Failon ay sinuspinde ng 30-araw ng National Police Commission matapos na maki­taan umano na nagkaroon ng harassment laban kay ABS-CBN anchor Ted Failon, mga kasambahay at sa mga kaanak ng nasa­wing asawa na si Trinidad Etong.

Ayon pa sa source, uma­asa sila noon na tutu­lungan sila ni Rosales na sagutin ang mga kasong isinampa ng Napolcom sa kanila subalit subalit naiwan umano sila sa ere at napa­bayaan. (Ricky Tulipat)

CAMP KARINGAL

CHIEF SUPT

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

NATIONAL POLICE COMMISSION

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

RICKY TULIPAT

ROBERTO ROSALES

SHY

TED FAILON

TRINIDAD ETONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with