4 Pinoy seamen sa Somalia, laya na

MANILA, Philippines - Nakalaya na ang apat na tripulanteng Pinoy na kabilang sa daan-daang hostage ng mga pirata sa Somalia matapos na ma­kapagbayad umano ng milyong dolyares na ransom kahapon.

Sa report na nakara­ting sa Department of Foreign Affairs, ang apat na Pinoy seamen ay ka­bilang sa 24 crew na pi­nalaya sakay ng British cargo ship.

Kinumpirma ng Foreign Minister sa Bulgaria ang pagpapalaya sa 24 tripu­lante lulan ng 32,000 ton na MV Malaspina Castle na binihag ng mga Somali pirates noong Abril 6, 2009 sa Gulf of Aden.

Magugunita na may 23 Pinoy seamen sakay ng chemical tanker na MV Stolt Strenght ang naka­uwi sa bansa nitong Mayo 1 matapos magbigay ng $2.2 milyong ransom makaraan ang halos anim na buwang pagkaka­bi­hag. 

Bagaman apat na Pi­noy seamen ang napa­la­ya, naitala sa humigit ku­mulang pang 100 Pinoy seamen ang hawak pa rin ng Somali pirates. (Ellen Fernando)

Show comments