^

Bansa

Life sa mister na tumodas sa misis

-

MANILA, Philippines - Habambuhay na pagkakabilanggo ang ipinataw ng Manila Regional Trial Court sa isang mister na pumatay sa kanyang misis sa Maynila, noong 2003.

Napatunayang guilty beyond reasonable doubt sa kasong parricide ni Manila RTC Judge Reynaldo Alhambra, ng Branch 53 ang akusadong si Roderick N. Ubal.

Kasabay nito, inatasan din ng hukuman si Ubal na bayaran ang naulila ng kanyang asawa si Joanna Balute-Ubal ng P50,000 para sa indemnity, P51,000 sa actual damages at P50,000 bilang moral damages.

Lumilitaw sa record na noong Pebrero 23, 2003 nang mapaslang ni Ubal ang kanyang misis sa pamamagitan ng pananaksak ng dalawang beses sa dibdib gamit ang kutsilyo, base sa naging testimonya ng testigong si Anna Liza Rodaje.

Hindi kinagat ng korte ang depensa ni Ubal na aksidente ang pagkakasaksak niya sa asawa dahil sa sinabi ni Rodaje na sinakal niya at walang sabi-sabing sinaksak bago kaswal na iniwang nakabulagta. (Doris Franche)

ANNA LIZA RODAJE

DORIS FRANCHE

HABAMBUHAY

JOANNA BALUTE-UBAL

JUDGE REYNALDO ALHAMBRA

KASABAY

MANILA REGIONAL TRIAL COURT

RODERICK N

UBAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with