Mid-year bonus ng mga QC hall employee, ibibigay sa Mayo 30

MANILA, Philippines - Ipinag-utos ni Que­zon City Mayor Feliciano “SB” Belmonte na ipag­kaloob na ang mid-year bonus ng mga empleado ng QC hall ng hindi la­lampas ng Mayo 30 ng taong ito.

Ang mid-year bonus ay 50 percent equivalent ng basic monthly salary ng isang empleyado at kala­hati ng P5,000 cash gift sa mga empleado ng pama­halaan na mandato ng Department of Budget and Management (DBM)

Lahat ng elective at appointive regular plan­tilla city paid personnel na nakapag- serbisyo ng 4 buwan hindi kasama ang leave of absence with pay mula Enero 1 hanggang Mayo 16 ay entitled na ma­katanggap ng natu­rang benepisyu.

Minabuti ni SB na ma­ibigay ng maaga ang mid -year ng mga empleado ng QC hall upang maka­tulong ang pondo sa gastusin ng mga ito sa enrollment ng mga anak sa pag- aaral.

Ang mga empleado ng city hall na pumasok bilang part time basis ay maka­katanggap din ng bene­pisyu at pro-rata amount na cash gift na naiserbisyo ng 4 na buwang service requirement. (Angie dela Cruz)

Show comments