Pinoy scientist bagong nat'l artist
MANILA, Philippines - Ginawaran ni Pangulong Arroyo ng titulo bilang national artist ang scientist na si Dr. Teodulo Topacio Jr. dahil sa kontribusyon nito sa paggamot sa sakit na “leptospiral” sa mga hayop. Inirekomenda ng National Academy of Science and Technology ang pagiging national artist ni Dr. Topacio. Napansin ang kontribusyon ni Dr. Topacio hinggil sa impormasyon nito para sa leptospiral disease ng mga domestic animals. Bilang national artist ay matatanggap ni Dr. Topacio ang mga prebilehiyo nito. Ipinanganak si Topacio noong November 30, 1924 at nagtapos ng Doctor of Veterinary Medicine sa University of the Philippines. (Rudy Andal)
- Latest
- Trending